Batang Manlalaro, Malaking Panalo
kuha ni: TVL
Sinulat ni: GAS
Hindi edad ang batayan ng galing—kundi ang talas ng isip, diskarte, at karanasan sa bawat galaw.
Pinatunayan ito ng Isang lalaking manlalaro mula sa baitang 7, Science Technology and Engineering(STE) nang kanilang pataubin ang kalabang lalaki ng Grade 12 HUMSS sa isang laban na hindi nasukat sa pagkakaiba ng edad, kundi sa husay sa pag-iisip.
Mas bata man ang mga manlalaro na nagmula sa baitang 7 STE, hindi siya nagpatinag sa kaniyang mas nakatatandang kalaban.
Sa bawat paggalaw ng piyesa, nandoon ang kanilang bilis sa pagsusuri, pagbuo ng estratehiya, at paghahanap ng tamang pagkakataon upang makalamang sa larong chess na tila IQ at decision-making ang tunay na sinusubok—hindi kung sino ang mas matanda.
Hindi rin basta bagong laro para sa Grade 7 STE ang chess, Para sa kaniya, naging bahagi na ito ng kanilang libangan at hobby mula pa noong Grade 3.
Taon ng paglalaro ang nagbigay sa kanila ng karanasan, pamilyaridad sa mga opening at taktika, at kumpiyansang dala sa bawat kompetisyon.
Samantala, ipinakita naman ng Grade 12 HUMSS na hindi sapat ang edad upang awtomatikong maging lamang sa chess.
Kahit mas nakatatanda at may mas maraming karanasan sa buhay, kinailangan pa rin nilang harapin ang bilis ng pag-iisip at estratehiya ng mas batang koponan.
Sa chessboard, pare-pareho ang halaga ng bawat galaw—at isang maling desisyon lamang ay maaaring magbago sa takbo ng laro.
Sa huli, ang nagwaging kampeon ay ang Grade 7 STE na nagpapaalala na sa chess, walang pinipiling edad ang talino— maaaring mas bata ang isang manlalaro, ngunit kung matagal na niyang nilalaro ang laro, sanay siyang mag-isip nang ilang hakbang pasulong.