Sistemang Hindi Handa, Kinabukasan ang Nakataya
kuha ni: TVL
Sinulat ni: HUMMS
Sa kalagitnaan ng pagbabago, may kaakibat napag-asa. Sa bagong Strengthened Senior High School Curriculum ng Department of Education (DepEd), inaasahang na mas magiging malinaw ang direksyon ng mga mag-aaral, ngunit bilang mga mag-aaral na haharap sa pagbabagong ito, hindi mawawala sa isipan ng lahat na handa ba mismo ang sistema sa pagpapatupad nito?
Madali lamang sabihin na “strengthened” ang kurikulum subalit madaling gumawa ng bagong learning competencies at bagong plano. Dahil sa likod ng bawat bagong aralin ay isang gurong kailangang maghanda, isang estudyanteng kailangang umangkop at isang paaralang kailangang magbigay ng sapat na kagamitan. Kung kulang ang materyales, paano matututo nang maayos ang mga estudyante at kung hindi sapat ang training ng mga guro paano magiging malinaw ang bagong sistema?
Hindi naman masama ang pagbabago, sa katunayan, kailangan natin ng edukasyon na mas angkop sa pangangailangan ng Kabataan. Subalit ang pagbabago ay hindi dapat minamadali ang tunay na pagbabago ay tinitiyak muna ang pundasyon bago ang pagpapatupad ng makabagong sistema. Kaya sana, sa pagdidisenyo ng isang bagong kurikulum, hindi lamang kung ano ang nasa papel ang pagtuunan ng pansin, kundi kung ano ang tunay na nararanasan sa paaralan.
Sapagkat maaaring subukan ang isang bagong sistema, ngunit hindi dapat maging eksperimento ang kinabukasan ng isang estudyante. Kung hindi handa ang sistema, sino ang sasalo sa epekto? Kung ang sagot ay ang kabataan, tunay nga bang para sa kanila ang pagbabagong ito?