Ernie Bryan Espinoza, Wagi sa Matinding Chess Showdown

kuha ni: TVL
Sinulat ni: GAS

UNIDAD, Cagwait, Surigao del Sur — Nagwagi si Ernie Bryan Espinoza laban kay Steven Orga sa isang chess game tournament na ginanap sa Sepak Takraw Court ng Unidad National High School.

Maagang umarangkada ang laban nang unang makakuha ng kill si Ernie gamit ang bishop, bago nakabawi si Steven sa pamamagitan ng knight para sa ikalawang kill.

Ipinakita ng dalawang manlalaro ang kanilang diskarte habang patuloy na nagpalitan ng piyesa sa chessboard.

Sa sumunod na palitan, sunod-sunod na gumalaw ang mga piyesa—pawn, pawn, pawn, knight, bishop, bishop, queen, pawn, at knight—habang kapwa hinahanap ng dalawang manlalaro ang puwang upang makalamang.

Hindi nagpahuli si Ernie sa bawat pagbabago ng posisyon, sa pamamagitan ng maingat na paggalaw at pagsusuri sa chessboard, napanatili niya ang kanyang bentahe hanggang sa tuluyang makuha ang panalo laban kay Steven.

Sa huli, Ernie Bryan Espinoza ang itinanghal na panalo, patunay na sa chess, bawat galaw ay mahalaga at ang isang tamang desisyon ay maaaring maging susi sa tagumpay.