Bagong SULOSYON, Kulang sa AKSYON

Ginuhit ni: STEM
Sinulat ni: HUMMS

Bagong kurikulum na naman ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) ang Strengthened Senior High School (SSHS) Curriculum sa lahat ng pampubliko at pribadong senior high school simula School Year 2026–2027. Ang kurikulum ay idinesenyo upang mabigyan ang mga mag-aaral ng mas malinaw na direksyon pagkatapos nilang makapagtapos ng basic education.Ito ay para mabigyan ang mga mag-aaral ng mas malinaw na mga pathway patungo sa kolehiyo, trabaho, negosyo, at skills development, ngunit may mga tanong na dapat din bigyang pansin, nakakatulong nga ba ito o mas pinahihirapan lang nila ang mga guro at studyante dahil sa kakulangan sa mga pasilidad?

Ang kurikulum ay idinesenyo upang mabigyan ang mga mag-aaral ng mas malinaw na direksyon pagkatapos nilang makapagtapos ng basic education. Sapagkat hindi mawari sa isipan na makulangan ng mga materyales at walang sapat na paghahanda ng nakararami. Kaya dahil dito may pagkakataon na maging isa sa mga kahinaan ng kurikulum na ito. 

Ayon sa pahayag ni Benjo Basas, TDC National Chair ” Halos dalawang linggo bago ang pilot run, marami pa rin ang walang sapat na materyales at hindi pa nakakahanda ng maayos sa training. Kaya, nagdudulot ito ng pressure sa mga guro at ang mga pinuno ng paaralan at marami ay isinasakripisyo ang kalidad ng pagtuturo”  dagdag pa niya na “To strengthen the SHS program, we must begin by strengthening the ground where education takes place, not merely reshuffling what is written on paper,”. 

Pagpapalakas ng kurikulum ay hindi magiging matagumpay kung ito ay mananatiling pagbabago lamang sa papel, hangga't nananatiling kulang ang mga pasilidad, libro, at paghahanda ng mga guro, ang SSHS Curriculum ay magiging panibagong pasanin lamang sa halip na solusyon sa krisis sa edukasyon. Sa kalagitnaan ng mga problemang kinakaharap sana’y unahin at bigyang pansin ang sa kakulangan ng pasilidad, pagsasanay sa mga guro, at sapat na pondo para sa edukasyon, dahil tinitiyak nito ang matagumpay at mapayapa na daloy na ipinatutpad ng programang ito.