Bagong Aralin, Kailangang Habulin

Ginuhit ni: STEM
Sinulat ni: HUMMS

May panibagong hamon na naman ang nararanasan ng mga mag-aaral sa senior high school, sapagkat may ipanatupad ng DepEd na Curriculum upang mas mapahanda at mapalakas ang mga mag-aaral para sa kinabukasan. Maganda ang layunin, pero habang binubuksan natin ang bagong pahina ng edukasyon, may isang tanong na hindi dapat kalimutan, paano kung may mga aralin pa tayong kailangang habulin bago tayo makasabay sa panibagong tuntunin. 

Hindi lahat ng estudyante ay nagsisimula sa parehong antas.May mga mag-aaral na mabilis makasunod, ngunit mayroon ding nangangailangan ng dagdag na panahon upang lubusang maunawaan ang mga ralaing nauna. Hindi ibig sabhin mahina saila, minsan may mga kaalamang hindi lamang sapat ang nagging oras upang matutuhan at mapalalim. Dahil paano nga ba tatakbo sa bagong landas ang isang estudyanteng hindi pa nakabawi sa dating daan?  

Ang edukasyon ay hindi karera kung saan kailangang maunang makarating. Hindi rin ito paligsahan kung saan ang mga mabilis lamang ang dapat makasabay, ang tunay na layunin ng edukasyon ay walang estudyanteng maiiwan. Kaya habang naghahanda tayo para sa bagong kurikulum, huwag nating kalimutan ang mga estudyanteng may kailangang habulin. Sapagkat bago tayo magmadali sa bagong pahina, tiyakin muna nating walang estudyanteng naiwan sa dating pahina.