Bagong Landas, Handa sa Bukas
Nakatitig sa hinaharap ang dalawang mag-aaral habang binabaybay ang mga bagong oportunidad at landas na inihahain ng Strengthened Senior High School Curriculum para sa kanilang kinabukasan.
kuha ni: Gas
Sinulat ni: ABM
Hindi na lamang tungkol sa dami ng asignaturang kailangang ipasa ang mga estudyante sa Senior High School. Sa bagong Strengthened Senior High School (SSHS) Curriculum, mas binibigyang-diin ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa kolehiyo, trabaho, technical skills, negosyo, at iba pang landas pagkatapos ng ikalabindalawa baitang.
Hindi na lamang tungkol sa dami ng asignaturang kailangang ipasa ang mga estudyante sa Senior High School. Sa bagong Strengthened Senior High School (SSHS) Curriculum, mas binibigyang-diin ang paghahanda ng mga mag-aaral para sa kolehiyo, trabaho, technical skills, negosyo, at iba pang landas pagkatapos ng ikalabindalawa baitang.
1. Mas kaunting kalat, mas malalim na pagkatuto ng lahat.
Mula sa dating maraming core subjects, limang pangunahing core subjects na lamang ang itinakda sa bagong Grade 11 curriculum: Effective Communication/Mabisang Komunikasyon, General Mathematics, General Science, Life and Career Skills, at Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino. Layunin nitong bigyan ng mas sapat na oras ang mga mag-aaral upang mapalalim ang mahahalagang kasanayan sa halip na habulin lamang ang napakaraming competency.
2. Hindi na kailangang ikahon ng iisang strand ang pangarap ng kabataang Pilipino.
Isa sa kapansin-pansing pagbabago ay ang paglipat mula sa dating apat na pangunahing track tungo sa dalawang track: Academic at Technical-Professional (TechPro). Mas flexible rin ang pagpili ng electives dahil maaaring kumuha ang mga mag-aaral ng mga asignaturang mula sa iba’t ibang clusters.
Ibig sabihin, hindi kailangang isang kahon lamang ang pagkakakilanlan ng isang estudyante. Maaaring pagsabayin ang interes sa science, arts, business, sports, humanities, o technical skills depende sa kaniyang plano.
3. Mula sa silid-aralan patungo sa tunay na mundong kinabibilangan.
Hindi sapat na alam lamang ng isang mag-aaral ang konsepto sa libro—kailangang maranasan din niya kung paano ito ginagamit sa totoong buhay.
Kaya isa sa mga binibigyang-diin ng SSHS ang work immersion, partikular para sa TechPro learners. Pinalawak ng DepEd ang work immersion mula sa dating 80 oras tungo sa 320–640 oras para sa Technical-Professional pathway, upang mas magkaroon ng makabuluhang hands-on experience ang mga mag-aaral.
4. Life skills bilang sandata sa labas ng paaralan.
Ang diploma ay mahalaga, ngunit hindi nito awtomatikong itinuturo kung paano haharap sa pera, trabaho, komunikasyon, career decisions, at mga hamon ng adulthood.
Dito pumapasok ang Life and Career Skills, isa sa limang core subjects ng bagong curriculum. Sa halip na puro academic knowledge, mas binibigyan ng puwang ang mga kasanayang maaaring dalhin ng estudyante hanggang sa kaniyang personal at propesyonal na buhay.
5. Ang tunay na sukatan: kung handa ba ang estudyante pagkatapos ng ikalabindalawa baitang.
Sa huli, ang pinakamahalagang tanong ay hindi kung ilang ang natapos ng isang learner kundi kung ano ang kaya niyang gawin pagkatapos nito.
Ang strengthened SHS ay nakatuon sa mas malinaw na mga landas—kolehiyo, trabaho, technical skills, National Certifications, o entrepreneurship. Ngunit ang lakas ng bagong curriculum ay hindi lamang nakasalalay sa papel. Kailangan din itong sabayan ng sapat na guro, learning resources, kagamitan, at oportunidad para sa aktuwal na pagsasanay.
Dahil ang tunay na pagpapalakas ng Senior High School ay hindi nasusukat sa pagbabago ng curriculum lamang. Nasusukat ito sa isang kabataang matapos ang Grade 12 ay hindi lamang may diploma—kundi may direksiyon, kakayahan, at kumpiyansang harapin ang susunod na yugto ng kaniyang buhay.